Awit 55

Laganap ang kasamaan at walang tigil ang pang-aapi at pandaraya sa mga lansangan.

Psalm 55:11 (UKJV) Wickedness is in the midst thereof: deceit and guile depart not from her streets.

9Panginoon, lituhin nʼyo ang aking mga kaaway at guluhin nʼyo ang kanilang mga pag-uusap. Dahil nakita ko ang karahasan at kaguluhan sa lungsod.

10Araw-gabi itong nangyayari. Ang lungsod ay puno ng kasamaan at kaguluhan.

11Laganap ang kasamaan at walang tigil ang pang-aapi at pandaraya sa mga lansangan.

12Matitiis ko kung ang kaaway ko ang kumukutya sa akin. Kung ang isang taong galit sa akin ang magmamalaki sa akin, maiiwasan ko siya.

13Ngunit mismong kagaya ko, kasama ko at kaibigan ko ang sa akin ay nang-iinsulto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.