7Lilipad ako ng malayo at doon mananahan sa ilang.
8Maghahanap agad ako ng mapagtataguan upang makaiwas sa galit ng aking mga kaaway na tulad malakas na hangin o bagyo.”
9Panginoon, lituhin nʼyo ang aking mga kaaway at guluhin nʼyo ang kanilang mga pag-uusap. Dahil nakita ko ang karahasan at kaguluhan sa lungsod.
10Araw-gabi itong nangyayari. Ang lungsod ay puno ng kasamaan at kaguluhan.
11Laganap ang kasamaan at walang tigil ang pang-aapi at pandaraya sa mga lansangan.