Awit 55

Nag-aalala na ako sa pananakot at pang-aapi ng aking mga kaaway. Sapagkat galit na galit sila, ginugulo nila ako at pinagbabantaan.

Psalm 55:3 (UKJV) Because of the voice of the enemy, because of the oppression of the wicked: for they cast iniquity upon me, and in wrath they hate me.

1O Diyos, dinggin nʼyo ang aking dalangin. Ang paghingi ko ng tulong ay bigyan nʼyo ng pansin.

2Pakinggan nʼyo ako at sagutin, naguguluhan ako sa aking mga suliranin.

3Nag-aalala na ako sa pananakot at pang-aapi ng aking mga kaaway. Sapagkat galit na galit sila, ginugulo nila ako at pinagbabantaan.

4Kumakabog ang dibdib ko sa takot na akoʼy mamatay.

5Nanginginig ako sa labis na takot; nilalamon ako ng sindak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.