2Pakinggan nʼyo ako at sagutin, naguguluhan ako sa aking mga suliranin.
3Nag-aalala na ako sa pananakot at pang-aapi ng aking mga kaaway. Sapagkat galit na galit sila, ginugulo nila ako at pinagbabantaan.
4Kumakabog ang dibdib ko sa takot na akoʼy mamatay.
5Nanginginig ako sa labis na takot; nilalamon ako ng sindak.
6At nasabi ko ito: “Kung may pakpak lang ako tulad ng kalapati, lilipad ako at maghahanap ng mapagpapahingahan.