4Kumakabog ang dibdib ko sa takot na akoʼy mamatay.
5Nanginginig ako sa labis na takot; nilalamon ako ng sindak.
6At nasabi ko ito: “Kung may pakpak lang ako tulad ng kalapati, lilipad ako at maghahanap ng mapagpapahingahan.
7Lilipad ako ng malayo at doon mananahan sa ilang.
8Maghahanap agad ako ng mapagtataguan upang makaiwas sa galit ng aking mga kaaway na tulad malakas na hangin o bagyo.”