1Sa Diyos lang ako may kapahingahan; Ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya.
2Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan, kaya ligtas ako sa kapahamakan.
3Kayong mga kaaway ko, hanggang kailan kayo sasalakay upang akoʼy patayin? Tulad koʼy pader na malapit nang magiba at bakod na malapit nang matumba.