Awit 62

Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan, kaya ligtas ako sa kapahamakan.

Psalm 62:2 (UKJV) He only is my rock and my salvation; he is my defence; I shall not be greatly moved.

1Sa Diyos lang ako may kapahingahan; Ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya.

2Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan, kaya ligtas ako sa kapahamakan.

3Kayong mga kaaway ko, hanggang kailan kayo sasalakay upang akoʼy patayin? Tulad koʼy pader na malapit nang magiba at bakod na malapit nang matumba.

4Gusto lamang ninyong maalis ako sa aking mataas na katungkulan. Tuwang-tuwa kayo sa pagsisinungaling. Kunwariʼy pinupuri ninyo ako ngunit sa puso ninyoʼy isinusumpa ako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.