Awit 65

Ang mga parang ay punong-puno ng mga kawan ng tupa at kambing at pawang mga pananim ang makikita sa kapatagan. Ang lahat ng mga lugar na ito ay parang mga taong umaawit at sumisigaw sa kagalakan.

Psalm 65:13 (UKJV) The pastures are clothed with flocks; the valleys also are covered over with corn; they shout for joy, they also sing.

11Pinag-aapaw nʼyo ang panahon ng anihan, at saan ka man dumaan ay puno ng kasaganaan.

12Kahit na ang ilang ay naging pastulan dahil sagana sa mga damo at ang mga burol ay parang mga taong puno ng kagalakan.

13Ang mga parang ay punong-puno ng mga kawan ng tupa at kambing at pawang mga pananim ang makikita sa kapatagan. Ang lahat ng mga lugar na ito ay parang mga taong umaawit at sumisigaw sa kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.