1Kayong mga tao sa buong mundo, isigaw ninyo ang inyong papuri sa Diyos nang may kagalakan.
2Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya. Parangalan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong mga awit.
3Sabihin ninyo sa kanya, “O Diyos, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan, luluhod ang inyong mga kaaway sa takot.