Awit 66

Sabihin ninyo sa kanya, “O Diyos, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan, luluhod ang inyong mga kaaway sa takot.

Psalm 66:3 (UKJV) Say unto God, How terrible are you in your works! through the greatness of your power shall yours enemies submit themselves unto you.

1Kayong mga tao sa buong mundo, isigaw ninyo ang inyong papuri sa Diyos nang may kagalakan.

2Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya. Parangalan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong mga awit.

3Sabihin ninyo sa kanya, “O Diyos, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan, luluhod ang inyong mga kaaway sa takot.

4Ang lahat ng tao sa buong mundo ay sasamba sa inyo na may awit ng papuri.”

5Halikayoʼt tingnan ang kahanga-hanga na ginawa ng Diyos para sa mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.