Awit 66

Ang lahat ng tao sa buong mundo ay sasamba sa inyo na may awit ng papuri.”

Psalm 66:4 (UKJV) All the earth shall worship you, and shall sing unto you; they shall sing to your name. Selah.

2Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya. Parangalan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong mga awit.

3Sabihin ninyo sa kanya, “O Diyos, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan, luluhod ang inyong mga kaaway sa takot.

4Ang lahat ng tao sa buong mundo ay sasamba sa inyo na may awit ng papuri.”

5Halikayoʼt tingnan ang kahanga-hanga na ginawa ng Diyos para sa mga tao.

6Pinatuyo niya ang dagat; tinawid ito ng ating mga ninuno nang naglalakad. Tayoʼy mangagalak sa kanyang mga ginawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.