Awit 66

Pinatuyo niya ang dagat; tinawid ito ng ating mga ninuno nang naglalakad. Tayoʼy mangagalak sa kanyang mga ginawa.

Psalm 66:6 (UKJV) He turned the sea into dry land: they went through the flood on foot: there did we rejoice in him.

4Ang lahat ng tao sa buong mundo ay sasamba sa inyo na may awit ng papuri.”

5Halikayoʼt tingnan ang kahanga-hanga na ginawa ng Diyos para sa mga tao.

6Pinatuyo niya ang dagat; tinawid ito ng ating mga ninuno nang naglalakad. Tayoʼy mangagalak sa kanyang mga ginawa.

7Makapangyarihang maghahari ang Diyos, magpakailanman. Mga bansaʼy kanyang pinagmamasdan, kaya ang mga sumusuway sa kanya ay hindi dapat magmalaki.

8Kayong mga tao, purihin ninyo ang Diyos! Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.