Awit 66

Makapangyarihang maghahari ang Diyos, magpakailanman. Mga bansaʼy kanyang pinagmamasdan, kaya ang mga sumusuway sa kanya ay hindi dapat magmalaki.

Psalm 66:7 (UKJV) He rules by his power for ever; his eyes behold the nations: let not the rebellious exalt themselves. Selah.

5Halikayoʼt tingnan ang kahanga-hanga na ginawa ng Diyos para sa mga tao.

6Pinatuyo niya ang dagat; tinawid ito ng ating mga ninuno nang naglalakad. Tayoʼy mangagalak sa kanyang mga ginawa.

7Makapangyarihang maghahari ang Diyos, magpakailanman. Mga bansaʼy kanyang pinagmamasdan, kaya ang mga sumusuway sa kanya ay hindi dapat magmalaki.

8Kayong mga tao, purihin ninyo ang Diyos! Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.

9Iningatan niya ang ating buhay at hindi niya hinayaang tayoʼy madapa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.