Awit 66

Iningatan niya ang ating buhay at hindi niya hinayaang tayoʼy madapa.

Psalm 66:9 (UKJV) Which holds our soul in life, and suffers not our feet to be moved.

7Makapangyarihang maghahari ang Diyos, magpakailanman. Mga bansaʼy kanyang pinagmamasdan, kaya ang mga sumusuway sa kanya ay hindi dapat magmalaki.

8Kayong mga tao, purihin ninyo ang Diyos! Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.

9Iningatan niya ang ating buhay at hindi niya hinayaang tayoʼy madapa.

10Sapagkat sinubok ninyo kami, O Diyos, upang dalisayin; tulad namiʼy pilak na dinalisay sa apoy.

11Hinayaan nʼyo kaming mahuli sa bitag at pinagpasan nʼyo kami ng mabigat na dalahin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.