8Kayong mga tao, purihin ninyo ang Diyos! Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.
9Iningatan niya ang ating buhay at hindi niya hinayaang tayoʼy madapa.
10Sapagkat sinubok ninyo kami, O Diyos, upang dalisayin; tulad namiʼy pilak na dinalisay sa apoy.
11Hinayaan nʼyo kaming mahuli sa bitag at pinagpasan nʼyo kami ng mabigat na dalahin.
12Pinabayaan nʼyo ang aming mga kaaway na tapakan kami sa ulo; parang dumaan kami sa apoy at lumusong sa baha. Ngunit dinala nʼyo kami sa lugar ng kasaganaan.