1O Diyos, marapat ka naming purihin sa Zion! Ang mga ipinangako namin sa inyo ay aming tutuparin.
2Sa inyo lalapit ang lahat ng tao, dahil dinidinig nʼyo ang mga panalangin.
3Napakarami ng aming kasalanan, ngunit pinapatawad nʼyo pa rin ang mga ito.
4Pinagpala ang taong pinili nʼyo at inanyayahang manirahan sa inyong Templo. Lubos kaming magagalak sa mga kabutihang nasa inyong tahanan, ang inyong banal na Templo.