2Sa inyo lalapit ang lahat ng tao, dahil dinidinig nʼyo ang mga panalangin.
3Napakarami ng aming kasalanan, ngunit pinapatawad nʼyo pa rin ang mga ito.
4Pinagpala ang taong pinili nʼyo at inanyayahang manirahan sa inyong Templo. Lubos kaming magagalak sa mga kabutihang nasa inyong tahanan, ang inyong banal na Templo.
5O Diyos na aming Tagapagligtas, tinugon nʼyo ang aming mga dalangin sa pamamagitan ng inyong kamangha-manghang pagliligtas sa amin. Kayo ang pag-asa ng tao sa lahat ng lupain at maging ng manlalayag sa malawak na dagat.
6Itinatag nʼyo ang mga bundok sa pamamagitan ng inyong lakas. Tunay ngang kayoʼy makapangyarihan.