Awit 65

O Diyos na aming Tagapagligtas, tinugon nʼyo ang aming mga dalangin sa pamamagitan ng inyong kamangha-manghang pagliligtas sa amin. Kayo ang pag-asa ng tao sa lahat ng lupain at maging ng manlalayag sa malawak na dagat.

Psalm 65:5 (UKJV) By terrible things in righteousness will you answer us, O God of our salvation; who are the confidence of all the ends of the earth, and of them that are far off upon the sea:

3Napakarami ng aming kasalanan, ngunit pinapatawad nʼyo pa rin ang mga ito.

4Pinagpala ang taong pinili nʼyo at inanyayahang manirahan sa inyong Templo. Lubos kaming magagalak sa mga kabutihang nasa inyong tahanan, ang inyong banal na Templo.

5O Diyos na aming Tagapagligtas, tinugon nʼyo ang aming mga dalangin sa pamamagitan ng inyong kamangha-manghang pagliligtas sa amin. Kayo ang pag-asa ng tao sa lahat ng lupain at maging ng manlalayag sa malawak na dagat.

6Itinatag nʼyo ang mga bundok sa pamamagitan ng inyong lakas. Tunay ngang kayoʼy makapangyarihan.

7Pinatatahimik nʼyo ang ingay ng mga alon, ang hampas ng karagatan, at ang pagkakagulo ng mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.