4Pinagpala ang taong pinili nʼyo at inanyayahang manirahan sa inyong Templo. Lubos kaming magagalak sa mga kabutihang nasa inyong tahanan, ang inyong banal na Templo.
5O Diyos na aming Tagapagligtas, tinugon nʼyo ang aming mga dalangin sa pamamagitan ng inyong kamangha-manghang pagliligtas sa amin. Kayo ang pag-asa ng tao sa lahat ng lupain at maging ng manlalayag sa malawak na dagat.
6Itinatag nʼyo ang mga bundok sa pamamagitan ng inyong lakas. Tunay ngang kayoʼy makapangyarihan.
7Pinatatahimik nʼyo ang ingay ng mga alon, ang hampas ng karagatan, at ang pagkakagulo ng mga tao.
8Dahil sa inyong mga kahanga-hangang ginawa, namamangha sa inyo pati ang mga nakatira sa malayong lugar. Mula sa silangan hanggang kanluran, ang mga tao ay napapasigaw sa tuwa dahil sa inyo.