11Hinayaan nʼyo kaming mahuli sa bitag at pinagpasan nʼyo kami ng mabigat na dalahin.
12Pinabayaan nʼyo ang aming mga kaaway na tapakan kami sa ulo; parang dumaan kami sa apoy at lumusong sa baha. Ngunit dinala nʼyo kami sa lugar ng kasaganaan.
13Mag-aalay ako sa inyong Templo ng mga handog na sinusunog upang tuparin ko ang aking mga ipinangako sa inyo,
14mga pangakong sinabi ko noong akoʼy nasa gitna ng kaguluhan.
15Mag-aalay ako sa inyo ng matatabang hayop bilang handog na sinusunog, katulad ng mga tupa, toro at mga kambing.