13Mag-aalay ako sa inyong Templo ng mga handog na sinusunog upang tuparin ko ang aking mga ipinangako sa inyo,
14mga pangakong sinabi ko noong akoʼy nasa gitna ng kaguluhan.
15Mag-aalay ako sa inyo ng matatabang hayop bilang handog na sinusunog, katulad ng mga tupa, toro at mga kambing.
16Halikayoʼt makinig, kayong lahat na may takot sa Diyos. Sasabihin ko sa inyo ang mga ginawa niya sa akin.
17Humingi ako sa kanya ng tulong habang nagpupuri.