Awit 66

Humingi ako sa kanya ng tulong habang nagpupuri.

Psalm 66:17 (UKJV) I cried unto him with my mouth, and he was extolled with my tongue.

15Mag-aalay ako sa inyo ng matatabang hayop bilang handog na sinusunog, katulad ng mga tupa, toro at mga kambing.

16Halikayoʼt makinig, kayong lahat na may takot sa Diyos. Sasabihin ko sa inyo ang mga ginawa niya sa akin.

17Humingi ako sa kanya ng tulong habang nagpupuri.

18Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan, hindi niya sana ako pakikinggan.

19Ngunit tunay ngang pinakinggan ako ng Diyos at ang dalangin koʼy kanyang sinagot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.