Awit 66

Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan, hindi niya sana ako pakikinggan.

Psalm 66:18 (UKJV) If I regard iniquity in my heart, the Lord will not hear me:

16Halikayoʼt makinig, kayong lahat na may takot sa Diyos. Sasabihin ko sa inyo ang mga ginawa niya sa akin.

17Humingi ako sa kanya ng tulong habang nagpupuri.

18Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan, hindi niya sana ako pakikinggan.

19Ngunit tunay ngang pinakinggan ako ng Diyos at ang dalangin koʼy kanyang sinagot.

20Purihin ang Diyos, na hindi tumanggi sa aking panalangin, at hindi nagkait ng kanyang tapat na pag-ibig sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.