13Kahit na ang mga tagapag-alaga ng hayop ay nakakuha ng mga naiwang bagay gaya ng imahen ng kalapati, na ang mga pakpak ay nababalutan ng pilak at ang dulo nito ay nababalutan ng purong ginto.”
14Nang ikalat ng Diyos na Makapangyarihan ang mga haring iyon, pinaulanan niya ng yelo ang lugar ng Zalmon.
15Napakataas at napakaganda ng bundok ng Bashan; maraming taluktok ang bundok na ito.
16Ngunit bakit ito nainggit sa bundok ng Zion na pinili ng Panginoon bilang maging tahanan niya magpakailanman?
17Dumating ang Panginoong Diyos sa kanyang banal na lugar mula sa Sinai kasama ang libu-libo niyang karwahe.