1Kumilos nawa ang Diyos, at ikalat ang kanyang mga kaaway. Magsitakas nawa palayo ang mga galit sa kanya.
2Itaboy sana sila ng Diyos gaya ng usok na tinatangay ng hangin. Mamatay sana sa harapan niya ang mga masasamâ, gaya ng kandilang natutunaw sa apoy.
3Ngunit ang matutuwid ay sisigaw sa galak sa kanyang harapan.
4Awitan ninyo ang Diyos, awitan ninyo siya ng mga papuri. Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap. Ang kanyang pangalan ay Panginoon. Magalak kayo sa kanyang harapan!