21Tiyak na babasagin ng Diyos ang ulo ng kanyang mga kaaway na patuloy sa pagkakasala.
22Sinabi ng Panginoon, “Pababalikin ko ang aking mga kaaway mula sa Bashan; pababalikin ko sila mula sa kailaliman ng dagat,
23upang patayin sila at tapak-tapakan ninyo ang kanilang dugo at magsasawa ang inyong mga aso sa paghimod ng kanilang dugo.”
24O Diyos na aking Hari, nakita ng lahat ang inyong parada ng tagumpay papunta sa inyong santuwaryo.
25Nasa unahan ang mga mang-aawit at nasa hulihan ang mga tumutugtog; at sa gitna naman ay ang mga babaeng tumutugtog ng tamburin.