20Ang ating Diyos ang siyang Diyos na nagliligtas! Siya ang Makapangyarihang Panginoon na nagliligtas sa atin sa kamatayan.
21Tiyak na babasagin ng Diyos ang ulo ng kanyang mga kaaway na patuloy sa pagkakasala.
22Sinabi ng Panginoon, “Pababalikin ko ang aking mga kaaway mula sa Bashan; pababalikin ko sila mula sa kailaliman ng dagat,
23upang patayin sila at tapak-tapakan ninyo ang kanilang dugo at magsasawa ang inyong mga aso sa paghimod ng kanilang dugo.”
24O Diyos na aking Hari, nakita ng lahat ang inyong parada ng tagumpay papunta sa inyong santuwaryo.