Awit 69

Pinagbubulung-bulungan din ako ng mga nakaupo sa pintuang-bayan. At ang mga lasing ay lumilikha ng awit ng pangungutya tungkol sa akin.

Psalm 69:12 (UKJV) They that sit in the gate speak against me; and I was the song of the drunkards.

10Kapag akoʼy umiiyak at nag-aayuno, tinitiis ko ang pagpapahiya sa akin.

11Kapag nakadamit ako ng sako bilang pagdadalamhati, ginagawa nila akong katatawanan.

12Pinagbubulung-bulungan din ako ng mga nakaupo sa pintuang-bayan. At ang mga lasing ay lumilikha ng awit ng pangungutya tungkol sa akin.

13Ngunit dumadalangin ako sa inyo, Panginoon. Sa inyong tinakdang panahon, sagutin nʼyo ang dalangin ko ayon sa tindi ng inyong pagmamahal sa akin. Dahil sa tapat kayo sa inyong pagliligtas,

14tulungan nʼyo akong huwag lumubog sa putikan. Iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway na parang inililigtas nʼyo ako mula sa malalim na tubig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.