8Parang ibang tao ang turing sa akin ng mga kapatid ko, parang isang dayuhan sa aming sariling tahanan.
9Dahil sa labis-labis na pagmamalasakit ko sa inyong bahay, halos mapahamak na ako. Tuwing nilalait kayo ng mga tao, nasasaktan din ako.
10Kapag akoʼy umiiyak at nag-aayuno, tinitiis ko ang pagpapahiya sa akin.
11Kapag nakadamit ako ng sako bilang pagdadalamhati, ginagawa nila akong katatawanan.
12Pinagbubulung-bulungan din ako ng mga nakaupo sa pintuang-bayan. At ang mga lasing ay lumilikha ng awit ng pangungutya tungkol sa akin.