Awit 69

Parang ibang tao ang turing sa akin ng mga kapatid ko, parang isang dayuhan sa aming sariling tahanan.

Psalm 69:8 (UKJV) I am become a stranger unto my brethren, and an foreigner unto my mother's children.

6O Panginoon, ang Panginoon ng mga Hukbo, Diyos ng Israel, huwag sanang malagay sa kahihiyan ang mga nagtitiwala at lumalapit sa inyo nang dahil sa akin.

7Dahil sa inyo, iniinsulto ako at inilalagay sa kahihiyan.

8Parang ibang tao ang turing sa akin ng mga kapatid ko, parang isang dayuhan sa aming sariling tahanan.

9Dahil sa labis-labis na pagmamalasakit ko sa inyong bahay, halos mapahamak na ako. Tuwing nilalait kayo ng mga tao, nasasaktan din ako.

10Kapag akoʼy umiiyak at nag-aayuno, tinitiis ko ang pagpapahiya sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.