5O Diyos, alam nʼyo ang aking kahangalan; hindi lingid sa inyo ang aking mga kasalanan.
6O Panginoon, ang Panginoon ng mga Hukbo, Diyos ng Israel, huwag sanang malagay sa kahihiyan ang mga nagtitiwala at lumalapit sa inyo nang dahil sa akin.
7Dahil sa inyo, iniinsulto ako at inilalagay sa kahihiyan.
8Parang ibang tao ang turing sa akin ng mga kapatid ko, parang isang dayuhan sa aming sariling tahanan.
9Dahil sa labis-labis na pagmamalasakit ko sa inyong bahay, halos mapahamak na ako. Tuwing nilalait kayo ng mga tao, nasasaktan din ako.