Awit 69

O Panginoon, ang Panginoon ng mga Hukbo, Diyos ng Israel, huwag sanang malagay sa kahihiyan ang mga nagtitiwala at lumalapit sa inyo nang dahil sa akin.

Psalm 69:6 (UKJV) Let not them that wait on you, O Lord GOD of hosts, be ashamed for my sake: let not those that seek you be confounded for my sake, O God of Israel.

4Marami ang napopoot sa akin, mas marami pa sila kaysa sa aking buhok. Gusto nila akong patayin nang walang dahilan. Pinipilit nilang isauli ang mga bagay na hindi ko naman ninakaw.

5O Diyos, alam nʼyo ang aking kahangalan; hindi lingid sa inyo ang aking mga kasalanan.

6O Panginoon, ang Panginoon ng mga Hukbo, Diyos ng Israel, huwag sanang malagay sa kahihiyan ang mga nagtitiwala at lumalapit sa inyo nang dahil sa akin.

7Dahil sa inyo, iniinsulto ako at inilalagay sa kahihiyan.

8Parang ibang tao ang turing sa akin ng mga kapatid ko, parang isang dayuhan sa aming sariling tahanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.