Awit 69

Marami ang napopoot sa akin, mas marami pa sila kaysa sa aking buhok. Gusto nila akong patayin nang walang dahilan. Pinipilit nilang isauli ang mga bagay na hindi ko naman ninakaw.

Psalm 69:4 (UKJV) They that hate me without a cause are more than the hairs of mine head: they that would destroy me, being mine enemies wrongfully, are mighty: then I restored that which I took not away.

2Tila lulubog na ako sa malalim na putik at walang matutuntungan. Para akong nasa laot at tinatabunan ng mga alon.

3Pagod na ako sa paghingi ng tulong at masakit na ang aking lalamunan. Dumidilim na ang paningin ko sa paghihintay ng tulong nʼyo, O Diyos.

4Marami ang napopoot sa akin, mas marami pa sila kaysa sa aking buhok. Gusto nila akong patayin nang walang dahilan. Pinipilit nilang isauli ang mga bagay na hindi ko naman ninakaw.

5O Diyos, alam nʼyo ang aking kahangalan; hindi lingid sa inyo ang aking mga kasalanan.

6O Panginoon, ang Panginoon ng mga Hukbo, Diyos ng Israel, huwag sanang malagay sa kahihiyan ang mga nagtitiwala at lumalapit sa inyo nang dahil sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.