34Purihin ninyo ang Diyos kayong lahat ng nasa langit, nasa lupa at nasa karagatan.
35Dahil ililigtas ng Diyos ang Jerusalem at muli niyang itatayo ang mga lungsod ng Juda. At doon titira ang kanyang mga mamamayan at aariin ang lupain na iyon.
36Mamanahin ito ng kanilang lahi at ang mga umiibig sa Diyos ay doon maninirahan.