Awit 71

Kayo sa akin ay batong kanlungan na lagi kong malalapitan. Ipag-utos nʼyo na iligtas ako, dahil kayo ang aking matibay na batong pananggalang.

Psalm 71:3 (UKJV) Be you my strong habitation, unto which I may continually resort: you have given commandment to save me; for you are my rock and my fortress.

1Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong pabayaang akoʼy mapahiya.

2Tulungan nʼyo ako at iligtas sapagkat kayo ay matuwid. Akoʼy inyong dinggin at sagipin.

3Kayo sa akin ay batong kanlungan na lagi kong malalapitan. Ipag-utos nʼyo na iligtas ako, dahil kayo ang aking matibay na batong pananggalang.

4O Diyos ko, iligtas nʼyo ako mula sa kamay ng masasama at malulupit na tao.

5Kayo ang aking pag-asa, O Makapangyarihang Panginoon. Mula noong akoʼy bata pa, sa inyo, ako ay nagtiwala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.