Awit 71

Tulungan nʼyo ako at iligtas sapagkat kayo ay matuwid. Akoʼy inyong dinggin at sagipin.

Psalm 71:2 (UKJV) Deliver me in your righteousness, and cause me to escape: incline yours ear unto me, and save me.

1Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong pabayaang akoʼy mapahiya.

2Tulungan nʼyo ako at iligtas sapagkat kayo ay matuwid. Akoʼy inyong dinggin at sagipin.

3Kayo sa akin ay batong kanlungan na lagi kong malalapitan. Ipag-utos nʼyo na iligtas ako, dahil kayo ang aking matibay na batong pananggalang.

4O Diyos ko, iligtas nʼyo ako mula sa kamay ng masasama at malulupit na tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.