1Tunay na mabuti ang Diyos sa Israel, lalo na sa mga taong may malilinis na puso.
2Ngunit akoʼy muntik nang bumagsak; ang mga paa koʼy muntik nang madulas.
3Sapagkat kinainggitan ko ang mga mayayabang, nang nakita ko ang pag-unlad ng mga masasama.
4Hindi sila dumaranas ng pagdurusa; silaʼy malulusog at masisigla.
5Ang mga pagdurusang karaniwang nararanasan ng tao sa mundong ibabaw ay di nila naranasan. Hindi sila dumaranas ng hirap, di tulad ng kanilang kapwa.