12Kayo, O Diyos, ang aming Hari mula pa noong una. Paulit-ulit nʼyo nang iniligtas ang mga tao sa mundo.
13Hinati nʼyo ang dagat sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan at dinurog ang ulo ng mga dambuhalang hayop sa dagat.
14Dinurog nʼyo ang ulo ng dragong Leviatan at ipinakain ang bangkay nito sa mga hayop sa ilang.
15Kayo ang nagpapadaloy ng mga bukal at mga batis, at ang ilog na hindi natutuyo ay pinapatuyo ninyo.
16Kayo ang gumawa ng araw at ng gabi at naglagay ng araw at ng buwan sa kanilang kinalalagyan.