14Dinurog nʼyo ang ulo ng dragong Leviatan at ipinakain ang bangkay nito sa mga hayop sa ilang.
15Kayo ang nagpapadaloy ng mga bukal at mga batis, at ang ilog na hindi natutuyo ay pinapatuyo ninyo.
16Kayo ang gumawa ng araw at ng gabi at naglagay ng araw at ng buwan sa kanilang kinalalagyan.
17Kayo rin ang naglagay ng mga hangganan sa mundo at lumikha ng tag-araw at taglamig.
18Alalahanin nʼyo Panginoon, kung paano kayo pinahiya at kinutya ng mga hangal na kaaway. Kung paano nilapastangan ng mga mangmang na ito ang inyong pangalan.