Awit 74

Kayo rin ang naglagay ng mga hangganan sa mundo at lumikha ng tag-araw at taglamig.

Psalm 74:17 (UKJV) You have set all the borders of the earth: you have made summer and winter.

15Kayo ang nagpapadaloy ng mga bukal at mga batis, at ang ilog na hindi natutuyo ay pinapatuyo ninyo.

16Kayo ang gumawa ng araw at ng gabi at naglagay ng araw at ng buwan sa kanilang kinalalagyan.

17Kayo rin ang naglagay ng mga hangganan sa mundo at lumikha ng tag-araw at taglamig.

18Alalahanin nʼyo Panginoon, kung paano kayo pinahiya at kinutya ng mga hangal na kaaway. Kung paano nilapastangan ng mga mangmang na ito ang inyong pangalan.

19Huwag nʼyong ibigay sa kanilang mga kaaway na parang mababangis na hayop ang inyong mga mamamayan na parang kalapati. Huwag nʼyong lubusang kalimutan ang inyong mga mamamayan na laging inaapi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.