Awit 77

Tumawag ako nang malakas sa Diyos. Tumawag ako sa kanya upang akoʼy kanyang pakinggan.

Psalm 77:1 (UKJV) I cried unto God with my voice, even unto God with my voice; and he gave ear unto me.

1Tumawag ako nang malakas sa Diyos. Tumawag ako sa kanya upang akoʼy kanyang pakinggan.

2Kapag akoʼy nagdurusa, akoʼy nananalangin sa Panginoon. Sa gabi ay nakataas ang aking mga kamay sa pagdarasal, at hindi ako napapagod, ngunit wala pa rin akong kaaliwan.

3Naalala ko kayo, O Diyos, at akoʼy dumaing; akoʼy nagmuni-muni at para bang akoʼy nawalan na ng pag-asa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.