Awit 77

Kapag akoʼy nagdurusa, akoʼy nananalangin sa Panginoon. Sa gabi ay nakataas ang aking mga kamay sa pagdarasal, at hindi ako napapagod, ngunit wala pa rin akong kaaliwan.

Psalm 77:2 (UKJV) In the day of my trouble I sought the Lord: my sore ran in the night, and ceased not: my soul refused to be comforted.

1Tumawag ako nang malakas sa Diyos. Tumawag ako sa kanya upang akoʼy kanyang pakinggan.

2Kapag akoʼy nagdurusa, akoʼy nananalangin sa Panginoon. Sa gabi ay nakataas ang aking mga kamay sa pagdarasal, at hindi ako napapagod, ngunit wala pa rin akong kaaliwan.

3Naalala ko kayo, O Diyos, at akoʼy dumaing; akoʼy nagmuni-muni at para bang akoʼy nawalan na ng pag-asa.

4Hindi ninyo ako pinatutulog, hindi ko na alam ang aking sasabihin, dahil balisang-balisa ako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.