Awit 77

Hindi ninyo ako pinatutulog, hindi ko na alam ang aking sasabihin, dahil balisang-balisa ako.

Psalm 77:4 (UKJV) You hold mine eyes waking: I am so troubled that I cannot speak.

2Kapag akoʼy nagdurusa, akoʼy nananalangin sa Panginoon. Sa gabi ay nakataas ang aking mga kamay sa pagdarasal, at hindi ako napapagod, ngunit wala pa rin akong kaaliwan.

3Naalala ko kayo, O Diyos, at akoʼy dumaing; akoʼy nagmuni-muni at para bang akoʼy nawalan na ng pag-asa.

4Hindi ninyo ako pinatutulog, hindi ko na alam ang aking sasabihin, dahil balisang-balisa ako.

5Naaalala ko ang mga araw at taong lumipas.

6Naaalala ko ang mga panahong umaawit ako sa gabi. Nagbubulay-bulay ako at tinatanong ang aking sarili:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.