4Hindi ninyo ako pinatutulog, hindi ko na alam ang aking sasabihin, dahil balisang-balisa ako.
5Naaalala ko ang mga araw at taong lumipas.
6Naaalala ko ang mga panahong umaawit ako sa gabi. Nagbubulay-bulay ako at tinatanong ang aking sarili:
7“Habang buhay na ba akong itatakwil ng Panginoon? Hindi na ba siya malulugod sa akin?
8Nawala na ba talaga ang pag-ibig niya para sa akin? Ang kanyang pangako ba ay hindi na niya tutuparin?