Awit 77

“Habang buhay na ba akong itatakwil ng Panginoon? Hindi na ba siya malulugod sa akin?

Psalm 77:7 (UKJV) Will the Lord cast off for ever? and will he be favourable no more?

5Naaalala ko ang mga araw at taong lumipas.

6Naaalala ko ang mga panahong umaawit ako sa gabi. Nagbubulay-bulay ako at tinatanong ang aking sarili:

7“Habang buhay na ba akong itatakwil ng Panginoon? Hindi na ba siya malulugod sa akin?

8Nawala na ba talaga ang pag-ibig niya para sa akin? Ang kanyang pangako ba ay hindi na niya tutuparin?

9Nakalimutan na ba niyang maging maawain? Dahil ba sa kanyang galit ay nawala na ang kanyang habag?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.