Awit 78

Ngunit patuloy pa rin silang nagkasala sa kanya. Naghimagsik sila sa Kataas-taasang Diyos doon sa ilang.

Psalm 78:17 (UKJV) And they sinned yet more against him by provoking the most High in the wilderness.

15Biniyak niya ang mga bato sa ilang at dumaloy ang tubig at binigyan sila ng maraming inumin mula sa kailaliman ng lupa.

16Pinalabas niya ang maraming tubig mula sa bato at ang tubig ay umagos gaya ng ilog.

17Ngunit patuloy pa rin silang nagkasala sa kanya. Naghimagsik sila sa Kataas-taasang Diyos doon sa ilang.

18Sinadya nilang subukin ang Diyos sa pamamagitan ng paghingi nila ng mga pagkaing gusto nila.

19Kinutya nila ang Diyos nang sabihin nilang, “Makakapaghanda ba ang Diyos ng pagkain dito sa ilang?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.