Awit 78

Sinadya nilang subukin ang Diyos sa pamamagitan ng paghingi nila ng mga pagkaing gusto nila.

Psalm 78:18 (UKJV) And they tempted God in their heart by asking food for their lust.

16Pinalabas niya ang maraming tubig mula sa bato at ang tubig ay umagos gaya ng ilog.

17Ngunit patuloy pa rin silang nagkasala sa kanya. Naghimagsik sila sa Kataas-taasang Diyos doon sa ilang.

18Sinadya nilang subukin ang Diyos sa pamamagitan ng paghingi nila ng mga pagkaing gusto nila.

19Kinutya nila ang Diyos nang sabihin nilang, “Makakapaghanda ba ang Diyos ng pagkain dito sa ilang?

20Oo ngaʼt umagos ang tubig nang hampasin niya ang bato, ngunit makapagbibigay din ba siya ng tinapay at karne sa atin?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.