Awit 78

Kapag pinarurusahan sila ng Diyos at ang iba sa kanilaʼy namamatay, nagbabalik-loob sila at agad lumalapit sa kanya.

Psalm 78:34 (UKJV) When he slew them, then they sought him: and they returned and enquired early after God.

32Sa kabila ng lahat ng ginawa ng Diyos sa kanila, nagpatuloy pa rin sila sa pagkakasala. Kahit na gumawa siya ng mga himala, hindi pa rin sila naniwala.

33Kaya agad niyang winakasan ang kanilang buhay sa pamamagitan ng biglaang pagdating ng kapahamakan.

34Kapag pinarurusahan sila ng Diyos at ang iba sa kanilaʼy namamatay, nagbabalik-loob sila at agad lumalapit sa kanya.

35At naalala nila na ang Diyos ang kanilang Batong kanlungan, ang Kataas-taasang Diyos ang kanilang Tagapagligtas.

36Ang papuri nilaʼy sa bibig lamang nagmumula pawang kasinungalingan ang kanilang mga salita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.