Awit 78

At naalala nila na ang Diyos ang kanilang Batong kanlungan, ang Kataas-taasang Diyos ang kanilang Tagapagligtas.

Psalm 78:35 (UKJV) And they remembered that God was their rock, and the high God their redeemer.

33Kaya agad niyang winakasan ang kanilang buhay sa pamamagitan ng biglaang pagdating ng kapahamakan.

34Kapag pinarurusahan sila ng Diyos at ang iba sa kanilaʼy namamatay, nagbabalik-loob sila at agad lumalapit sa kanya.

35At naalala nila na ang Diyos ang kanilang Batong kanlungan, ang Kataas-taasang Diyos ang kanilang Tagapagligtas.

36Ang papuri nilaʼy sa bibig lamang nagmumula pawang kasinungalingan ang kanilang mga salita.

37Hindi sila naging tapat sa kanya at hindi nila pinahalagahan ang kasunduan niya sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.