Awit 78

Ngunit dahil maawain ang Diyos, pinatawad ang mga kasalanan nila at hindi sila nilipol. Maraming beses niyang pinigil ang kanyang galit kahit napakatindi na ng kanyang poot.

Psalm 78:38 (UKJV) But he, being full of compassion, forgave their iniquity, and destroyed them not: yea, many a time turned he his anger away, and did not stir up all his wrath.

36Ang papuri nilaʼy sa bibig lamang nagmumula pawang kasinungalingan ang kanilang mga salita.

37Hindi sila naging tapat sa kanya at hindi nila pinahalagahan ang kasunduan niya sa kanila.

38Ngunit dahil maawain ang Diyos, pinatawad ang mga kasalanan nila at hindi sila nilipol. Maraming beses niyang pinigil ang kanyang galit kahit napakatindi na ng kanyang poot.

39Naisip niyang mga tao lamang sila, parang hangin na dumadaan at biglang nawawala.

40Madalas silang maghimagsik sa Diyos doon sa ilang at pinalungkot nila siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.